Bagong Supreme Court Associate Justice Mario Lopez, nanumpa na sa puwesto
Nanumpa na bilang Mahistrado ng Korte Suprema si dating Court of Appeals Justice Villamor Lopez.
Si Chief Justice Diosdado Peralta ang nagpanumpa kay Lopez sa En Banck session hall ng Supreme Court.
Pinalitan ni Lopez sa Associate Justice post ang nagretirong si Francis Jardeleza.
Sumaksi sa oathtaking ni Lopez ang kaniyang asawa at dalawang anak.
Noong CA Justice pa si Lopez, itinalaga siya ng Office of the Chief Justice bilang Chairperson ng Committee for the Decongestion of Provincial, City at Municipal jails.
Nakatakda namang manumpa sa Biyeres ang isa pang bagong appointee ng Pangulo sa Supreme Court na si dating CA Justice Edgardo Lao Delos Santos na kapalit ni retired SC Justice Antonio Carpio.
Ulat ni Moira Encina