Bagong Supreme Court Justice Jhosep Lopez, itinalaga bilang miyembro ng SC Second Division
Inilagay sa Second Division ng Korte Suprema si bagong Associate Justice Jhosep Lopez.
Sa Special Order na pirmado ni Chief Justice Diosdado Peralta, itinalagang miyembro ng Second Division si Lopez.
Muling nakumpleto ang 15-member roster ng Supreme Court makaraang mahirang si Lopez sa pwesto kapalit ni Justice Priscilla Baltazar- Padilla.
Una nang nanumpa sa posisyon si Lopez noong Martes matapos na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Lopez ang ika-190 Associate Justice ng Korte Suprema.
Bago mahirang sa SC, nagsilbing mahistrado ng Court of Appeals si Lopez sa loob ng halos siyam na taon.
Naging city prosecutor at konsehal din ng lungsod ng Maynila si Lopez.
Moira Encina