Bagong talagang DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nagreport na sa kanyang tanggapan
Pumunta na sa kaniyang tanggapan sa Department of Agriculture o DA sa Quezon city si bagong talagang Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos manumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakanyang.
Agad na pinulong ni Secretary Laurel sa kanyang opisina ang Undersecretaries at Assistant Secretaries ng DA.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez na hindi muna haharap sa media ngayong araw si Secretary Laurel.
Inihayag ni Estoperez na sa lunes November 6 isasagawa ang kauna-unahang press conference ni Secretary Laurel pagkatapos ng flag raising ceremony ng DA.
Vic Somintac
Please follow and like us: