Bagong tanggapan ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), binuksan sa bansa
Opisyal nang binuksan sa Maynila ngayong buwan ang bagong tanggapan ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC).
Ang CDC ang public health agency ng Amerika at lead implementer ng Emergency Plan for AIDS Relief (PEPFAR) ng U.S. President.
Si Dr. Romel Lacson ang magsisilbing unang Country Director for the Philippines ng US CDC.
Ayon sa US Embassy, ipatutupad ng country office ang mga CDC- supported health programs at pangungunahan ang peer-to-peer relationship sa DOH.
Sa pamamagitan rin ng bagong opisina, magkakaloob ang CDC ng technical assistance at support services upang mapaigting ang pagiwas at paggamot sa HIV at tuberculosis, at mapabagal ang twin epidemics.
Kaugnay nito, lumagda ang DOH at U.S. Department of Health and Human Services sa
Memorandum of Understanding on Health and Medical Sciences.
Layon nito na mapalakas ang kolaborasyon ng dalawang bansa sa public health emergency preparedness at response; prevention at control ng vaccine-preventable at communicable diseases; at ang prevention at control ng non-communicable diseases.
Moira Encina