Bagong unit ng Scan Eagle Unmanned Aerial Vehicle, pinasinayaan na
Pinasinayaan ngayon ang anim na bagong unit ng ScanEagle Unmanned Aerial Vehicle na nabili ng Philippine Airforce sa Estado Unidos sa pamamagitan ng foreign military financing sa halagang 13.76 million us dollar.
Mismong si Defense Secretary Delfin Loranzana ay US Ambasador Sung Y Kim ang nanguna sa seremonya na isinagawa sa Presidential Airlift Wing hangar sa Villamor Air Base.
Ayon kay Secretary Lorenzana, malaking tulong sa pagpapalakas sa kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines sa larangan ng intellegence, surveillance and reconnaissance.
Maari ring gamitin ang naturang mga UAV sa internal security operations..counter terrorism at maritime patrol.
May kakayahan kasi ito na magpadala ng live video at kayang lumipad sa himpapawid sa loob ng 24 oras.
Maari rin na magamit ang mga UAV sa panahon ng natural disaster para sa mabilis na pagsasagawa ng damage assesment sa mga sinalanta ng sakuna upang agad na makapagpadala ng tulong.
Makakatulong din ito sa DENR sa pagsasagawa ng monitoring at aerial surveillance sa mga bundok na ilegal na minimina.
Ulat ni Mar Gabriel