Bagong website ng Korte Suprema, inilunsad; SC E-library, puwede nang ma-access ng publiko
Pormal nang inilunsad ng Korte Suprema ang bagong disenyong website nito na www.sc.judiciary.gov.ph.
Pinangunahan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang unveiling ng improved website ng Kataas-taasang Hukuman sa Baguio City kasabay ng media training sa mga mamamahayag ng nagku-cover sa hudikatura.
Ayon kay Supreme Court Public Information Office, ginawa nilang mas simple at organisado ang website ng Korte Suprema dahil medyo cluttered o kalat-kalat ang lumang website.
Ilan sa mga bagong features ng SC website ay ang Court Locator at ang masterlist ng lahat ng mga abogado sa buong bansa.
Kasabay ng paglulunsad ng website, maari nang ma-access ng publiko ang E-library nito na makikita rin sa site.
Layunin ng free public access sa e-library na mas maging transparent at mas mapabuti ang access ng mga abogado, law professors, law students at legal researchers sa mga desisyon, resolusyon, issuances at rules of court.
Una nang inilunsad ang e-library noong 2004 pero hindi ito accessible sa publiko.
Ito ay isang searchable database ng mga jurisprudence kabilang ang mga SC decisions at resolutions mula 1901 hanggang sa kasalukuyan.
Ulat ni Moira Encina