Bagong Ynares multi-purpose building pinasinayaan sa Rodriguez, Rizal
Pinasinayaan na ang bagong Ynares multi-purpose building, na matatagpuan sa Kasiglahan Village, San Jose Rodriquez, Rizal.
Pinangunahan ito ni Mayor Dennis “Tom ” Hernandez, kasama sina Cong. Fidel Nograles , Rizal Vice Gov. Reynaldo San Juan, at Kasiglahan Home Owners Association Pres. Monde Florendo, at mga kagawad at ng municipal office.
Ang dalawang palapag na gusali ay magsisilbing extension office ng alkalde, kung saan isa o dalawang beses siyang mag-oopisina rito.
Ang mga serbisyong makukuha sa bagong gusali ay ang transakyon na may kaugnayan sa social services kagaya ng financial, medical at burial assistance. Maaari ring mag-apply dito ng PSA birth certificate, CENOMAR, marraige contract at death certificate.
Bukas ang bagong tanggapang ito mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing office hours.
Pangunahing makikinabang dito ay ang mga residente ng Litex Village, Abatex, Tagumpay Housing, Relocation Montalban Heights, Kasiglahan Village, Macabud at ilang bahagi ng San Isidro na lahat ay sakop ng Rodriguez, Rizal.
Matapos ang nasabing inagurasyon ay namahagi ang municipal government ng bigas, iba’t-ibang klaseng gulay at mga rekado sa mga dumalong residente.
Ulat ni Lorina Salaun