Bagyo sa labas ng bansa pumasok na sa PAR, pinangalanang TD Isang
Pumasok na sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Tropical Depression sa Silangan ng Hilagang Luzon.
Sa 11:00 am forecast ng PAGASA, ang bagyong Isang ay huling namataan sa layong 1,410 kilometers Silangan ng Northern Luzon taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 55 kph.
Kumikilos ito pa-Northwestward sa bilis na 25 kph.
Wala pang nakataas na Tropical cyclone wind signal sa alinmang bahagi at wala pang direktang epekto sa kalupaan.
Gayunman, pinaaalerto ng PAGASA ang mga kinauukulang ahensiya lalo na sa mga flood prone at landslide prone areas.
Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo Linggo ng umaga o hapon.
Posibleng humina rin ang bagyong Isang bilang isang Low Pressure Area sa Lunes.