Bagyong Auring lalu pang lumakas, isa nang Severe Tropical storm
Isa nang Severe tropical storm ang bagyong Auring.
Sa latest forecast ng Pag-Asa, huling namataan ang bagyo sa layong 535 kilometer Silangan, Timog-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at mabagal ang pagkilos.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 KPH malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 115 KPH.
Nakataas ang Signal no. 1 sa Davao Oriental, silangang bahagi ng Davao de Oro kabilang ang Pantukan, Maragusan, New Bataan, Compostela at Monkayo, silangang bahagi ng Agusan del Sur (Sibagat, Bayugan City, Prosperidad, Talacogon, San Francisco, Rosario, Bunawan, Santa Josefa, Trento).
Makararanas ng mahina hanggang katamtamang lakas na may paminsang malakas na pag-ulan ang Caraga region, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte ngayong araw hanggang bukas, Sabado.
Habang malakas na buhos ng ulan naman ang inaasahang mararanasan sa Caraga region, Sabado hanggang Linggo
Kasama rin sa mga makararanas ng matinding pag-ulan ang Eastern Visayas, Misamis Oriental, Camiguin, Bukidnon, Davao del Norte, Davao Oriental, at Davao de Oro, habang light to moderate with heavy rains ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng Visayas, nalalabing bahagi ng Northern Mindanao, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Lanao del Sur, Cotabato, at Davao City.
Ang surge naman ng Northeast Monsoon o Amihan ang nakakaapekto sa Hilagang Luzon at silangang bahagi ng Central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
(Pag-Asa DOST)