Bagyong Bebinca naglandfall na sa Shanghai
Naglandfall na sa Shanghai ang Bagyong Bebinca kaninang umaga bilang isang Category 1 storm, ang pinakamalakas na tropical cyclone na direktang tumama sa financial hub ng China sa mahigit pitong dekadang nakalipas.
Police cordons are seen at a closed entrance to the Bund after Typhoon Bebinca made landfall in Shanghai, China September 16, 2024. REUTERS/Xihao Jiang
Taglay ang pinakamabilis na hangin na 151 kph (94 mph) malapit sa mata nito, ang Bagyong Bebinca ay naglandfall sa siyudad na mayroong halos 25 milyong populasyon bandang alas-7:30 kaninang umaga.
Fallen tree branches seen on the streets amid heavy rainfall, after Typhoon Bebinca made landfall in Shanghai, China September 16, 2024. REUTERS/Xihao Jiang
Sa ulat ng state media, ito ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Shanghai mula nang manalasa ang Bagyong Gloria noong 1949.
A view from the Bund shows rising river levels after Typhoon Bebinca made landfall in Shanghai, China September 16, 2024. REUTERS/Xihao Jiang
Ang Shanghai ay bihirang direktang tamaan ng malalakas na bagyo na sa pangkalahatan ay nagla-landfall sa malayong timugang China.
A view of an empty street amid heavy rainfall, after Typhoon Bebinca made landfall in Shanghai, China September 16, 2024. REUTERS/Xihao Jiang
Ang Bagyong Yagi, na isang mapaminsalang Category 4 storm ay bumayo sa southern Hainan province noong nagdaang linggo.
Samantala, daan-daang flights ang kinansela sa dalawang paliparan ng lungsod simula pa nitong Linggo ng gabi, habang nagsuspinde naman ng ilang biyahe ang Shanghai railway station.
People walk with umbrellas on a bridge amid rains and winds in Shanghai, China September 14, 2022. REUTERS/Aly Song/File Photo
Sa gitna ito ng tatlong araw na mid-Autumn Festival public holiday ng China.
Pansamantala ring isinara ang mga resort sa Shanghai, gaya ng Shanghai Disney Resort, Jinjiang Amusement Park at Shanghai Wild Animal Park, habang nahinto naman ang biyahe ng maraming ferry.