Bagyong Betty, ibinaba na sa kategorya bilang Severe Tropical Storm, signal no. 1 nakataas pa rin sa Batanes – PAGASA
Isa na lamang Severe Tropical Storm ang kategorya ng bagyong Betty.
Sa 5:00 a.m. bulletin ng state weather bureau PAGASA, humina na ang bagyo habang kumikilos pa hilaga sa bilis na 15 kph.
Sa forecast ng PAGASA namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Betty sa bilis na 505 km sa hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na 110 kph malapit sa gitna, at bugso na aabot sa 135 kph.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1 sa Batanes.
“The severe tropical storm may be downgraded to tropical storm category on Saturday, although faster weakening remains possible within the forecast period,” nakasaad sa inilabas na advisory ng PAGASA.
Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas, Biyernes ng umaga ang bagyong Betty.
“Outside PAR, the severe tropical storm may make landfall or pass very close to Okinawa Island tonight or tomorrow early morning,” ayon pa sa PAGASA.
Sa kabila ng inaasahang paglabas sa PAR, sinabi ng PAGASA na makakaranas pa rin ng mga pgbugso ng hangin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.
“The enhanced Southwest Monsoon will bring occasional to frequent wind gusts over northern Cagayan including Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Northern Samar at northern portion ng Samar,” ayon pa sa PAGASA.
Katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang inaasahang bubuhos sa Occidental Mindoro, katamtamang ulan naman ang inaasahan sa Oriental Mindoro, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Abra, Antique, at northern Palawan.
Kaya’t nagpa-alala ang PAGASA dahil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Weng dela Fuente