Bagyong Bising, nagsimula nang lumayo sa kalupaan
Nagsimula nang lumayo sa kalupaan ang Bagyong Bising habang kumikilos sa direksyong North Northwestward sa bilis na 10 km/h.
Kaninang 4:00 AM, namataan ang sentro ng bagyo 250 km East Northeast ng Virac, Catanduanes (14.1°N, 126.5°E).
May maximum sustained winds ito na 195 km/h na may pagbugsong aabot sa 240 km/h.
Kaugnay nito, makakaranas ng moderate to heavy rains na minsan ay intense rains ang Bicol Region, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, at Leyte.
Asahan na ang pagbaha kasama na ang flashfloods at landslides lalo na sa mga lugar na nasa hazard map.
Mararanasan naman ang malalakas na hangin sa Northern Luzon, Aurora, at ilang bahagi ng Quezon.
Malalaking alon ang inaasahan sa eastern seaboard ng Luzon na mula 5.0 meters hanggang 12.0 meters, habang 2.5meter to 7.0 meters naman ang inaasahang laki ng alon sa northern at eastern seaboards ng Eastern Visayas,
Dahil dito, mapanganib ang paglalakbay sa dagat sa mga nasabing lugar.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa mga sumusunod na lugar:
TCWS #2 (61-120 km/h winds prevailing or expected in 24 hours)•
LUZON: Catanduanes, the eastern portion of Camarines Sur (Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagnay, San Jose, Lagonoy), the eastern portion of Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu, Legazpi City, Manito), and the eastern and central portions of Sorsogon (Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Casiguran, Juban, Magallanes, Bulan, Bulusan, Irosin, Santa Magdalena, Matnog) Northern •
VISAYAS: Samar, Samar, Eastern Samar, and Biliran
TCWS #1(30-60 km/h winds prevailing or expected in 36 hours)•
LUZON:The eastern portion of Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue), the northern portion of Aurora (Casiguran, Dilasag), the southeastern portion of Quezon (Guinayangan, Calauag, Tagkawayan) including Polillo Islands, Camarines Norte, the rest of Camarines Sur, the rest of Albay, the rest of Sorsogon, and Masbate including Burias and Ticao Islands•
VISAYAS: Leyte, Southern Leyte, and the northern portion of Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) including Bantayan and Camotes Islands•
MINDANAO: Dinagat Islands, Siargao Islands, and Bucas Grande Islands.