Bagyong “Chedeng” lumakas sa gitna ng Philippine Sea: PAGASA
Lumakas ang bagyong “Chedeng” sa gitna ng Philippine Sea.
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na bagama’t malabong magdulot ng malakas na pag-ulan sa bansa sa susunod na tatlong araw, maaari nitong palakasin ang habagat at magdulot ng paminsan-minsang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ang Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Zambales, Bataan, Camiguin, at Dinagat Islands ay inaasahang magkakaroon ng gusty conditions ngayong araw.
Sa susunod na 24 na oras, si “Chedeng” ay maaaring magdulot ng katamtaman hanggang sa maalong karagatan sa seaboard ng extreme Northern Luzon, at sa silangang seaboard ng mainland Luzon.
Inaasahang lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR), bukas o sa Lunes.