Bagyong Dante, nakalabas na ng PAR subalit nagdudulot pa rin ng malalaking alon
Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Dante na may international name na Choi-Wan habang tinatahak ang direksyong patungo sa Taiwan.
Kaninang 4:00 AM ang sentro ng Tropical Storm Dante ay nasa 285 km Northwest ng Laoag City, Ilocos Norte o 325 km West ng Calayan, Cagayan sa labas ng PAR.
Nananatili naman ang intensity maximum sustained winds nito sa 65 km/h na may pagbugsong aabot sa 80 km/h, at kumikilos sa bilis na 20 km/h.
Samantala, nananatili namang mapanganib ang paglalayag sa northern at western seaboards ng Northern Luzon dahil sa malalaking alon na aabot sa 2.5 hanggang 4.5 metro ang taas.
Pinapayuhan ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot.