Bagyong Dante, tumatawid ngayon sa baybaying dagat ng Sta Cruz, Zambales
Nasa mga baybaying dagat na ng Sta Cruz, Zambales ang Bagyong Dante habang kumikilos sa direksyong pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 25kph patungo sa West Philippine Sea matapos mag-landfall ng walong beses sa ibat-ibang lugar na dinaanan nito.
Kagabi ay dalawang ulit na nag-landfall ang bagyo sa Batangas, 7:20PM sa bayan ng Tingloy at 8:00PM sa Calatagan.
Hindi pa rin nagbabago ang lakas ng hanging taglay ng Bagyong Dante na umaabot sa 65 kph na may pagbugsong 90 kph.
Inaasahan pa ring magdudulot ng mga pag-ulan ang bagyo sa maraming lugar sa Luzon kasama na ang Metro Manila.
Narito naman ang Tropical Cyclone Wind Signals na nakataas pa rin ngayon sa ibat-ibang lugar:
SIGNAL No. 2 (Damaging gale-force winds prevailing or expected within 24 hours)
Zambales, western portion of Pangasinan (Infanta, Mabini, Sual, Labrador, City of Alaminos, Anda, Bolinao, Bani, Agno, Burgos, Dasol)
Signal No. 1 (Strong winds prevailing or expected within 36 hours)
The central portion of Pangasinan (Mangatarem, Aguilar, Bugallon, Lingayen, Binmaley, San Carlos City, Urbiztondo, Bayambang, Bautista, Alcala, Malasiqui, Basista, Santa Barbara, Mangaldan, San Fabian, Mapandan, San Jacinto, Dagupan City, Calasiao), Bataan, Tarlac, Pampanga, the western portion of Bulacan (City of Malolos, Calumpit, Paombong, Hagonoy, Bulacan, Pulilan, Plaridel, Guiguinto), the western portion of Cavite (Tanza, Trece Martires City, Indang, Alfonso, Rosario, Cavite City, Noveleta, City of General Trias, Naic, Maragondon, General Emilio Aguinaldo, Magallanes, Ternate), the western portion of Batangas (Calatagan, Lian, Nasugbu, Tuy, Balayan), and Lubang Island.