Bagyong Fabian, isa nang Severe Tropical Storm
Lumakas pa ang Tropical Storm Fabian at nadevelop na bilang Severe Tropical Storm.
Sa 11:00 AM forecast ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,055 kilometers Silangan, Hilagang-Silangan ng dulong Hilagang Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kph at pagbugso ng hanggang 115 kph.
Kumikilos ito pa Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kph.
Nananatiling wala pang lugar sa bansa ang isinailalim sa Tropical Cyclone wind signal ngunit inaasahang makararanas ng mga pag-ulan sa susunod na 24 oras ang Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan dahil sa pinaigting na Habagat.
Pinamomonitor din ang mga residente at disaster managers sa Batanes at Babuyan Islands sa mga susunod na weather bulletin dahil sa posibilidad na isailalim ang mga lugar na ito sa TCWS No. 1 sakaling mag-shift southward ang track ng bagyo.
Pinapayuhan din ang pag-iingat sa paglalayag dahil sa magiging maalon ang karagatan lalu na sa western seaboard ng Palawan kasama ang Kalayaan islands.