Bagyong Ferdie, nakalabas na ng bansa pero ilang lugar, patuloy na uulanin dahil sa Habagat

Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ferdie kaninang alas-9:00 ng umaga.

Ayon sa Pag-Asa DOST, mas lalu pang lumakas ang bagyo at maaaring madevelop bilang isang Tropical storm.

Tatahakin ng bagyo ang Southeastern China at inaasahang tatama sa kalupaan ng Fujian province bukas ng umaga.

Bukas naman ng gabi, ay unti-unti na itong hihina bilang isang Low Pressure Area (LPA).

Gayuman, kahit nasa labas na ng bansa ay patuloy na uulanin ang mga rehiyon ng  Ilocos, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, at Mimaropa dahil sa mas pinaigting na Habagat.

May babala pa rin ng mga pagbaha at landslides sa mga hazard prone areas dahil sa matagal at malalakas pa ring pag-ulan.

Inaabisuhan ang publiko at  Local Disaster Risk Reduction and Management Offices na imonitor ang rainfall at thunderstorm advisories mula sa Pag-asa para mapaghandaan ang anumang sakuna.

Nakataas pa rin ang gale warning sa mga seaboards ng Ilocos Norte,  Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Western coast ng Batangas, Western coast ng Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island, Calamian Islands, Batanes, Cagayan, Babuyan Islands, at Isabela.

==============

Please follow and like us: