Bagyong Gorio, lumakas pa at bahagyang bumilis – PAGASA
Lumakas pa at bahagyang bumilis ang Bagyong Gorio habang gumagalaw sa direksyong pa-hilagang Kanluran.
Sa pinakahuling tala ng PAGASA, namataan ang Bagyo sa layong 545 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 460 kilometers Silangan ng Basco, Batanes.
May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 105 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 130 kilometers per hour.
Inaasahang gagalaw ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Nakataas ang Tropical Storm warning signal number 1 sa Batanes Group of Islands.
Samantala, sinabi ng PAGASA na patuloy na palalakasin ng Bagyong Gorio ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon, Metro Manila at Western Visayas.