Bagyong Isang, lumakas pa bilang severe tropical storm habang kumikilos palabas ng PAR
Lumakas pa bilang severe tropical storm ang bagyong Isang na may international name na Omais habang papalapit sa Miyako Islands sa Southern Ryukuo.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 560 kilometers Hilagan-Silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang hanging aabot ng 95 kph at pagbugso ng hanggang 115 kph.
Pero kahit isa nang severe TS, wala itong idinudulot na epekto sa lagay ng panahon ngayong araw at hindi rin ito humahatak ng Habagat.
Samantala, ngayong araw asahan ang makulimlim na panahon sa ilang bahagi ng bansa sanhi ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Dahil dito makararanas ng makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Zambales, Bataan, Mindoro at Palawan, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccksargen region.
Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao ay maaliwalas na panahon ang mararanasan na may isolated rainshowers
Inaasahang aabot sa 32 degree celsius ang temperatura ngayong araw habang 35 degrees naman sa Tuguegarao, Cagayan.