Bagyong Kong-Rey, inaasahang papasok ng PAR mamayang gabi hanggang bukas

Binabantayan ngayon ng Pag-asa ang isang sama ng panahon na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, isa nang severe tropical storm ang bagyong mayroong international name na Kong-Rey.

Huli itong namataan sa layong 1,445 kilometro silangan ng Visayas.

May dala itong hangin na 100 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabot naman sa 120 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyong Kong-Rey sa bilis na 25 kilometro bawat oras sa direksyong kanluran-hilagang kanluran.

Inaasahang papasok ito sa loob ng PAR mamayang gabi o  bukas ng umaga,  at tatawaging Queenie.

Dagdag pa ng Pagasa, inaasahang lalakas pa ang naturang sama ng panahon at malalagay sa typhoon catergory habang nasa loob ng bansa.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *