TD Lannie, 4 na beses nang nag-landfall; Higit 20 lugar sa bansa, nananatiling nasa Signal No. 1

Nasa coastal waters na ng Maasin, Leyte ang Tropical Depression Lannie, palabas ng Camotes sea.

Sa 2:00 pm weather bulletin ng PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 55 km/h

Kumikilos ito pa-Kanluran, Hilagang Kanluran sa bilis na 10 km/h.

Nasa ilalim ng Signal no. 1 ang mga sumusunod:

Luzon:

Southern portion of Masbate (Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Dimasalang, Uson, Mobo, Milagros, Mandaon, Esperanza, Placer, Cawayan, Balud), the southern portion of Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Ferrol, Looc, Santa Fe, San Jose), the southern portion of Oriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong), the southern portion of Occidental Mindoro (Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay), and the northern portion of Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) including Calamian and Cuyo Islands.

Visayas:

The northwestern portion of Surigao del Norte (Sison, San Francisco, Surigao City, Tagana-An, Placer, Malimono, Mainit, Tubod) and Dinagat Islands

Mindanao:

Surigao del Norte, Dinagat Islands, the northern portion of Agusan del Norte (Magallanes, Remedios T. Romualdez, City of Cabadbaran, Tubay, Santiago, Jabonga, Kitcharao, Butuan City), and Camiguin

Dahil malawak ang sakop ng bagyo, karamihan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao ay nakararanas ng mga pag-ulan at nga banta ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Naka-apat na landfall na ang bagyo.

Ang una ay sa Bucas Grande island, Surigao del Norte, pangalawa ay sa Cagdianao, Dinagat islands, pangatlo ay sa Liloan, Southern Leyte at pang-apat ay sa Padre Burgos, Southern Leyte.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Palawan o Calamian islands bago ito lumabas ng West Philippine sea.

Makararanas din ng pagbugso ng hangin ang extreme Northern Luzon at Eastern section ng Luzon ngayong araw.

Ngayon hanggang bukas ay makararanas ng malalakas na pag-ulan ang Visayas, MIMAROPA, Albay, Sorsogon, Masbate at Dinagat islands.

Bawal pa ring pumalaot ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa mga lugar na nasa ilalim ng TCWS dahil sa magiging maalon ang karagatan.

Habang light to moderate naman na paminsang may kalakasang pag-ulan sa CALABARZON, nalalabing bahagi ng Bicol region at Mindanao.

Please follow and like us: