Bagyong Rolly, nag-landfall sa ikaapat na pagkakataon sa Lobo, Batangas
Sa ika-apat na pagkakataon ay muling nag-land fall ang Bagyong Rolly sa Lobo, Batangas kaninang alas 5:30 ng hapon.
Patuloy namang magdadala ng malakas na hangin at mga pag-ulan ang bagyo sa loob ng 12 oras sa Batangas at Cavite Province.
Bagaman humina na ang bagyo ay tinatahak pa rin nito ang mga lalawigan ng Marinduque at Central Quezon province.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 175 km per hourmalapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 km per hour.
Kumikilos ito patungong Kanluran sa bilis na 25 km per hour.
Asahan pa rin ang heavy to intense rain sa CALABARZON, Metro Manila, Marinduque, Romblon, Mindoro Provinces, Bataan, Bulacan, Aurora, kasama na ang eastern portions ng mainland Cagayan at Isabela.
Habang moderate to heavy rains naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, at sa nalalabi pang bahagi ng mainland Cagayan Valley and Central Luzon.
Light to moderate rains naman ang iiral sa Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Western Visayas at sa ilan pang nalalabing bahagi ng Luzon.
Jet Hilario