Bagyong Siony, napanatili ang lakas; Signal no. 1, nakataas pa rin sa Babuyan Islands
Napanatili ng Severe Tropical storm Siony ang lakas nito habang kumikilos sa Bashi channel.
Ayon sa Pag-Asa DOST, nasa ilalim pa rin ng signal no. 1 ang Babuyan Islands at Signal no. 2 naman ang Batanes.
Sa 11:00 am update ng Pag-Asa, huling namataan ang bagyo sa layong 50 kilometers Hilagang-Kanluran ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 95 km kada oras malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 115 kph.
Kumikilos ito pa-Kanluran,, Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 kph.
Sa susunod na 12 oras, inaasahang daraan ito sa Southern coast ng Taiwan at lalabas naman ng Philippine area of Responsibility mamayang gabi.
Ngayon araw, patuloy na magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang bagyo sa Batanes at Babuyan islands.
Nakataas rin ang Gale warning sa mga Hilagang baybayin ng Ilocos Norte, Apayao, at Cagayan kaya mapanganib ang paglalayag sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat.