Bagyong Trami dumating na sa Vietnam, iniwang patay sa Pilipinas, tumaas pa
Tumama na sa Vietnam nitong Linggo ang Bagyong Trami, taglay ang banta ng malalakas na mga pag-ulan at mapanganib na mga pagbaha makaraang mag-iwan ng pinsala sa Pilipinas.
Ang Vietnam na isa sa mga bansa sa Timog Silangang Asya, na may malawak na baybayin, ay lantad sa mga bagyo at pagbaha na kadalasang nagdudulot ng maraming casualties at pinsala sa mga ari-arian.
Ang pag-ulan sa ilang bahagi ng mga lalawigan mula Quang Binh hanggang Quang Nam ay tinatayang aabot sa 60 cm (23.6 pulgada.
Ayon sa national weather forecast agency, “The risks of floods are high at urban areas from Ha Tinh to Binh Dinh provinces.”
Inaasahan ding tatamaan ng malakas na pag-ulan ang Central Highlands, ang pangunahing coffee growing area ng bansa.
Matapos manalasa sa main Luzon island ng Pilipinas, iniwan ni Trami na lubog sa baha ang malaking bahagi nito, sanhi upang maging pahirapan ang pagsasagawa ng rescue at relief operations, habang pinaghahandaan naman ang Maynila ang pagdating ng Bagyong Kong-rey.
Si Trami ay tumama sa Pilipinas noong Huwebes, na nagdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa na ikinamatay ng 90 katao hanggang nitong Linggo.
Ayon kay Ariel Nepomuceno, pinuno ng Office of Civil Defense, marami sa mga napaulat na pagkamatay ang bina-validate pa nila upang makumpirma kung ito ay direktang sanhi ng bagyo.
Ang Bagyong Trami na may bilis ng hanging aabot sa 88 kph (54.7 mph), ay naglandfall sa Hue at Danang.
Dahil sa bagyo, apat na paliparan sa central Vietnam ang pansamantalang nagsara, ayon sa Civil Aviation Authority ng Vietnam.
Kabilang dito ang international airport sa Danang City na nagsara ala-6:00 ng umaga ng Linggo hanggang alas-4:00 ng umaga ngayong Lunes.
Sa ulat ng state media, ang malakas na hanging dala ni Trami ay nagpatumba na ng mga puno at advertisement boards sa Danang.
Noong isang buwan, ang Bagyong Yagi at ang mga pagbaha ay ikinamatay ng mahigit sa 300 katao at sumira ng mga ari-arian na nagkakahalaga ng mahigit sa $3.3 billion sa northern Vietnam.