Bahagi ng daang bilyong pisong nakolektang oil excise tax ng gobyerno dapat gamitin sa paglilinis ng oil spill sa Oriental Mindoro ayon sa Kamara
Umabot sa 380 billion pesos taon-taon ang nakokolekta ng gobyerno mula sa excise tax sa mga produktong petrolyo at pwede itong gamitin sa paglilinis ng oil spill sa karagatan ng Oriental Mindoro.
Ayon kay House Deputy Speaker Ralph Recto ang katas ng buwis ng langis ay dapat gamitin sa panglinis ng tagas sa lumubog na MT Princess Empress.
Sinabi ni Recto mula sa kabuuang koleksiyon ng oil excise tax, sapat na ang isang bilyong piso para masimulan ang paglilinis at maiwasan na mauwi sa ecological disaster ang sanhi ng oil spill.
Inihayag ni Recto maliit lang ang isang bilyong piso na kabawasan sa koleksiyon ng gobyerno mula sa oil excise tax kung ito ay gagamitin para ma-contain ang lalo pang pagkalat ng langis sa mas malaking bahagi ng ating karagatan.
Paliwanag ni Recto kaya pinapatawan ng excise tax ang mga oil products dahil itinuturing ang mga ito na mapanganib sa kalusugan, kapaligiran at nakakadagdag sa global warming.
Vic Somintac