Bahagi ng Eton Centris sa Q.C., isinailalim sa lockdown

Isinara ang isang bahagi ng Cyberpod building sa Eton Centris matapos na itoy mapasok ng security guard ng gusali na lasing at nanutok pa ng baril sa mga empleyado sa loob.

Kinilala ang lasing na security guard na si Germijilio Marsula Jr.

Ang nasabing gusali ay opisina ng isang BPO Company sa lugar at may mga empleyado na call center agents.

Ikinulong ni Marsula ang kanyang sarili sa loob ng isang opisina ng ground floor ng gusali.

Isinara ang lahat ng exit at entry points ng gusali dahil sa ginawa ng lasing na security guard.

Ayon sa otoridad, armado ng short firearm ang gwardya.

May problema sa pamilya ang suspek at lango ito sa alak.

Dahil sa nasabing insidente, pinalibutan ng mga miyembro ng swat team at mga ambulansya ang nasabing gusali.

Hindi rin muna pinapasok sa gusali ang mga nagtatrabaho doon na karamihan ay call center agents.

Napasugod din sa lugar si NCRPO Chief Oscar Albayalde at QCPD Chief Guillermo Ellazar para pangunahan ang sitwasyon.

Sa initial na imbestigasyon  hindi naman  nanakit o namaril sa loob ng gusali ang suspek.

Hindi rin ito nang hostage ng kung sino man kung kayat wala namang napaulat na nasaktan.

Tanging panunutok lang ng baril ang ginawa ng suspect sa ilang empleyado at kapwa guard sa loob.

8:30 ng umaga lumabas ng tahimik at matiwasay ang secuirty guard mula sa gusali kasama ang mga nakipag negosasyon at  boluntaryo na  itong sumuko sa mga otoridad ng walang nangyayaring gulo.

Agad na isinakay sa ambulansya ang guard upang macheck ito at agad na itong umalis.

Ayon kay Ellazar maaring makasuhan ang guard bagaman wala namang itong ginawang gulo ngunit dahil sa ginawa nitong panunutok ng baril.

Ulat ni: Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *