Bahagi ng Imelda Bridge sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue, sarado hanggang November 10: LRMC
Pansamantalang sarado ang isang bahagi ng outer lane ng Imelda Bridge sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), sarado ang tulay na nagdurugtong sa mga barangay ng La Huerta at Sto. Niño hanggang sa Nobyembre 10, 2022.
Ito ay magbibigay daan sa paglalagay ng concrete plinths at pedestals para sa instalasyon ng riles at overhead catenary system ng LRT-1 Ninoy Aquino Station.
Isang linya lamang ang maaaring daanan sa buong panahon na sarado ang outer lane ng nasabing tulay.
Pinapayuhan ang mga apektadong motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta.
Humingi naman ng paumanhin ang LRMC sa pansamantalang abala, at nagpasalamat din sa kooperasyon ng publiko.