Bahagi ng kalsada patungong Pagudpud sa Ilocos Norte sarado sa mga motorista dahil sa gumuhong lupa
Abiso sa mga motorista na biyaheng Norte, sarado pa rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang bahagi ng Manila North Road sa bahagi ng Sitio Banquero, Barangay Pancian, Pagudpud, Ilocos Norte.
Ayon sa Department of Public Works and Highways Region 1, ito ay dahil sa gumuhong lupa at rockslides.
Ang insidente ay nangyari noong Sabado pa pero dahil sa dami ng gumuhong lupa dahil sa masamang panahon ay nahihirapan ang mga tauhan ng DPWH na madaliin ang clearing operation.
May mga dagdag na Equipment na rin umanong ipinadala ang DPWH Region 2 para tumulong sa clearing operation sa kabilang bahagi ng daan.
Para naman sa alternatibong ruta, puwedeng dumaan sa Ilocos Sur-Abra-Kalinga-Tuguegarao Road at vice versa.
Puwede ring dumaan sa Manila North Road, Ilocos Sur-Abra Road Junction Narvacan Ilocos Sur-Bangued, Abra Section at pagkatapos ay sa Abra-Kalinga Road at Kalinga-Abra Road at Junction ng Kalinga-Tuguegarao Road.
Puwede ring dumaan sa Ilocos Norte patungong Region 2 via Ilocos Norte-Apayao Road at vice-versa.
Madelyn Villar -Moratillo