Bahagi ng pinakahuling delivery ng Pfizer vaccines sa bansa, ilalaan sa pagbabakuna para sa mga menor de edad
Nagtabi na ng ilang doses ng Pfizer vaccine ang pamahalaan para sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga menor de edad sa October 15.
Ang mga bakuna ay mula sa 1,003,860 doses ng Pfizer na dumating 8:45 kagabi sa NAIA Terminal 3 lulan ng Air Hongkong Flight LD-456.
Ayon kay National Task Force against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., maliban sa buffer stock ay aasahan din ang mga parating na bakuna sa susunod na linggo para magamit sa mga kabataan.
Walong pagamutan sa Metro Manila ang magsisilbing pilot vaccination sites para sa mga kabataan.
Ito ay ang Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del Mundo Medical Center, and Philippine General Hospital, the Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del Mundo Medical Center Philippine General Hospital, St. Luke’s Hospital-BGC, at Makati Medical Center.
Samantala, ang ilang doses naman ng bagong deliver na Pfizer vaccines ay ipamamahagi sa mga pangunahing lungsod sa Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, at iba pang lugar sa Northern Mindanao.