Bahay sa Naga city na ginawang Drug den, sinalakay; Higit 100,000 pisong halaga ng shabu, nasabat
Sinalakay ng mga otoridad ang isang bahay sa Barangay Lerma, Naga City na nagsilbing kuta ng pagbebenta ng shabu.
Ang pagsalakay ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA CamSur), PDEA Catanduanes at Naga City Police Office.
Naaresto sa raid sina Bryan Trasmer, 31 at Susana Bacod, 30 na pawang mga residente sa nabanggit na lugar.
Kasamang inaresto ang iba pa na naabutan sa lugar na kinilalang sina Marcelino Nodado, Napoleon Bongat, Bobby Imperial, Mark Omnis, Mayanaw Poblacion na dumayo pa mula Tigaon, Cam Sur at isang lolo na kinilalang si Carlito Magnate.
Nakumpiska sa operasyon ang siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 102,000 piso.
Nakakuha rin ang operatiba ng mga gamit na foils at iba pang drug paraphernalia.
Donna Cañeba, EBC Correspondent