Bakbakan sa Marawi City, posibleng matapos na ngayong buwan – AFP
Posibleng matapos na ang gulo sa Marawi City ngayong buwan.
Ito ang pagtaya ng Armed Forces of the Philippines.
Tatlong pamantayan ang ibinigay ng militar para masabi na tapos na ang gulo sa nasabing lugar kabilang dito ang pag-neutralize sa mga kalaban at mailigtas ang mga bihag.
Kailangan din nila na mabawi ang buong lungsod at maalis ang lahat ng mga naiwang improvised explosive device ng mga terorista.
Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesperson Capt. Joan Petinglay, pinagsisikapan ngayon nila na matapos ang tatlong pamantayan ngunit hindi pa rin sila nagpapakakampante dahil sa mga bihag na hawak ng mga terorista.
Nasa 55 na lang na mga terorista kasama sila si Omar Maute at Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon ang naiwan sa warzone.
Kinumpirma rin ni Petinglay na nakatanggap sila ng report na may mga bihag ang nagbalik-Islam at nakikipaglaban sa gobyerno sa takot na papatayin sila ng mga terorista.
Sa ngayon, kailangang i-clear nang militar ang 21 na ektarya na puno ng mga bahay at gusali sa loob nga main battle area.