Bakit Hilig ng Pusa ang Magmasahe?
Hello, kayo ba ‘yung taong madalas magmasid sa paligid? Natutuwa tayo na pagmasdan kapag nakikita natin na masayang naglalaro ang mga alaga natin hayop. Andiyan naghahabulan sa labas ng bahay, nagkukumpulan. Kapuna-puna na may unique behavior ang bawat isa sa kanila, tulad ng pagmasahe ng pusa sa iba pang pusa. Minsan maging ang tagapag-alaga nila ay kanilang minamasahe.
Alamin natin today bakit hilig ng pusa ang magmasahe? Parang kung paanong ang baboy ay mahilig maglublob sa putik na nasagot na natin sa mga nakaraan.
Sa tanong na, ano ba ang cat massage?
Paliwanag ni Mr. Mark Ferdinand Garcia, isang biologist, ang technical term ng “masahe” ng mga pusa ay kneading. Ang kneading ay cat behavior na nakuha nila nuong sila pa ay kitten, as a way na makakuha ng gatas sa mommy cat. Kapag matanda na ang pusa ginagawa nila yung kneading as a correlation sa bagay na nakakapag bigay sa kanila ng comfort o satisfaction.
Kapag nagmamasahe or the cat is kneading the owner, ibig sabihin ay nakakapag bigay ng comfort sa kanya ang owner or at least komportable ang pusa sa kanyang owner. Other than that, ginagawa rin nila ito para markahan ng scents nila ang kanilang owner.
Dagdag pa ni Maki, ang paws ng pusa ay merong retractable claws. Kailangang laging nati-trim ito dahil di lang nila ginagamit sa paghuli ng prey, ginagamit din nila ito sa pambalanse at touch sensors nila.
Samantala, may paalala siya na kapag hindi kayo komportable sa pagmasahe ng pusa sa inyong lap (dahil takot na makalmot o masugatan), alisin ang pusa at bigyan ng iba pang positive reinforcement gaya ng pag ‘pat’ sa ulo o pagbibigay ng treats tuwing binababa natin sila sa ating lap.
May kasabihan nga na … “cat chose us, we didn’t choose them”.