Bakit humihina ang kidneys natin?
Kumusta mga kapitbahay?
Atin pang palawigin ang ating kaalaman ukol sa ating bato o kidneys.
Ibabahagi ko ang ating nalaman mula sa interview kay Dr. Frederick Verano, Adult Nephrologist sa programang Let’s Get Ready To TV Radyo .
Ang sabi ni Doc Frederick, may dalawang kidneys ang tao at napakahalaga ang ginagampanan ng organ na ito na sinlaki ng kamao at nasa likod na bahagi ng ating katawan.
Maraming functions ang kidneys maliban sa paggawa ng ihi, inaayos rin nito ang tamang timpla ng electrolytes sa katawan natin.
Nililinis ang dumi sa katawan kaya excretory organ ang tawag at kahit ang pagkontrol ng blood pressure sa paggawa ng hemoglobin ng dugo, kahit sa bone mineral metabolism.
Talagang napakaraming trabaho ng kidney natin.
Kaya pag nagkaroon ang problema ang bato , ganundin karami ang mga kumplikasyon na puwedeng mangyari sa pasyente ng maysakit sa bato.
Sabi pa ni Doc, ang bato ay parang salaan , ‘yung dugo pumupunta sa bato at pini-filter ang dugo natin.
Itinatapon ang mga dumi at kino-conserve ang kailangan ng katawan natin.
Kaya pinananatili ng bato ang magandang balanse ng dugo.
Para makapag function ng maayos ang katawan, hindi maaaring mag-accumulate ng dumi sa katawan natin.
Kapag may sakit sa bato ang tawag ay Chronic Kidney Disease o CKD.
Ito ang kundisyon kung saan humihina ang function ng bato, Halimbawa, kung 100% ang function ng kidney natin, ang mga taong may CKD ay less 60% lang, mahina na at hindi nagagampanan ang trabaho na maglinis ng dugo.
Puwedeng ang itinatanong ninyo ay bakit nagkakaron ng problema sa bato o CKD?
Merong top 3 causes, at ang una ay diabetes.
Ito ang leading cause ng CKD around the world.
Alam ba ninyo na sa Pilipinas ay nasa 6M katao ang may diabetes at 10% ng may diabetes ay may sakit sa bato ?
Ang number cause sa paghina ng bato ay hypertension o mataas na blood pressure.
Ang ang ikatlo, namamaga ang kidneys dahil sa auto immune causes.
Minsan may ibang dahilan kung bakit pumapalya ang bato, maaaring dahil sa mahilig uminom ng pain relievers o mga over the counter medicine, kahit ‘yung mga may history ng paulit -ulit na UTI o urinary tract infection.
Ayan mga kapitbahay, sana ay nakatulong kami para mapalawak pa ang mga kaalaman natin sa sakit sa bato, tandaan na iba ang may alam!