Bakit kailangang kumain ng dilaw na kanin?

logo

Narinig ninyo na ba ang tungkol sa Golden Rice?Well, matagal na itong pinag-aaralan ng mga mananaliksik mula sa Philipine Rice Research Institute o Philrice katuwang ang International Rice Research Institute o IRRI.

Sa ating panayam kay Dr. Reynante L. Ordonio, Awardee, Outstanding Young Scientist ng DOST-National Academy of Science and Technology o DOST-NAST at Project Leader ng naturang pag -aaral, sinabi niya na ang Golden Rice ay produkto ng isang Technology, una sa kanyang pagka-develop gamit ang Modern Biotech o Genetic Engineering.

Layunin nito na makatulong na malunasan o kung hindi man ay mabawasan ang problema ng mga Pinoy sa kakulangan ng Vitamin A o ang Vitamin A deficiency.

Batay sa kanilang pag-aaral, hanggang sa kasalukuyan, maraming lugar pa rin sa bansa ang may mataas na insidente ng kakulangan sa Vitamin A. Ipinaliwanag ni Ordonio na sa teknolohiyang ito, nagiging dilaw ang kulay ng butil ng bigas, taglay ang kemikal na beta carotene na idinadagdag sa bigas na kapag kinain ay nako-convert sa Vitamin A.

Ayon kay Ordonio, marami ang hindi naka-aalam na meron nang 19 years of experience ang Pilipinas pagdating sa regulation ng mga Genetically Modified Organism o GMO.

Marami ang hindi ito tanggap dahil sa kanilang paniniwala na hindi ito ligtas na kainin. Kaya, may agam-agam tungkol sa Golden Rice.

Sa tinagal-tagal aniya ng pag-aaral nila sa Golden Rice, ngayon, nasa last regulatory stage na sila.Tinitiyak rin nila na ligtas na kainin ang Golden Rice …

Inaasahan aniya nila na sa lalong madaling panahon, ay makakamit na ang commercial propagation permit na kailangan upang maitanim na ng mga magsasaka ang Golden Rice.

Katulad din ng ibang ordinaryong varieties ng bigas, dadaan sa registration process pilot scale deployment ang Golden Rice, bago ang full blown deployment.

Sinabi ni Ordonio na maipa-pamahagi ito sa mga piling lalawigan ng bansa kung saan may mataas na kaso ng Vitamin A deficiency.

Binigyang diin ni Ordonio na malaki ang maitutulong ng Golden Rice sa mga stunted na mga bata o bansot, mga buntis at mga nagpa-pa-breastfeed.

Batay sa pag-aaral, ang isang tasang Golden Rice, ay makapagdudulotulot ng 30 to 50

percent ng tinatayang average requirement sa Vitamin A ng mga bata.
Photo courtesy of PhilRice
Please follow and like us: