Bakit mahalaga ang disiplina sa isang atleta?
Isang pagpupugay sa lahat ng atletang Pinoy!
Malaking bagay para sa bawat Filipino kapag nakaririnig tayo ng magagandang balita hindi ba?
Nababawasan kahit saglit ang ating mga alalahanin.
“yung nakikita mo na itinataas ang ating bandila o watawat kasi nakakuha ng medalya!
Usapang pagiging atleta tayo ngayon, this time proud akong ishare sa inyo ang napag-usapan namin ni Ernesto “Buboy” Guzman Jr, six -time world champion sa Taekwondo at champion sa nagdaang 2022 World Taekwondo Poomsae Championships na ginanap sa Goyang, South Korea.
Tungkol sa kung anong disiplina meron dapat ang isang atleta para magkampeon. Ito ang aming napag-usapan …..
Una, ang pagkakaroon ng physical discipline- don’t be proud, mas pagbutihin ang ensayo dahil mas marami ang gustong umagaw ng pwesto.
Discipline yourself, you to need to undergo hard training to maintain the skills, kailangang lagi magsakripisyo sa paggising ng maaga.
importante ang proper eating habit at pinakamahalagang sandata ang panalangin!
Ikalawa, ang tinatawag na emotional discipline.
Hindi mawawala na makaranas ng pagkatalo ang isang atleta, ngunit dapat ang maging pananaw dito kapag natalo ay mas pagbutihin ang ensayo.
Tingnan kung saan ang pagkukulang at duon ituon ang focus sa pagsasanay.
Mas mainam din na makaranas ng pagkatalo lalo pa nga’t kung ang kahulugan para sa atleta ay marami pang dapat matutuhan,
Pero huwag mawalan ng pag-asa, manapa matuto sa pagkatalo .
Eto pa ang banggit niya kailangan din ang VIsual/Goal Discipline.
Lahat ng atleta ay pinapangarap na manalo, magkampeon, tumayo sa rank podium, pero kaakibat nito ang matinding pagsasanay at pagtitiis, pagtitiyaga.
Napakahalaga kung paano pinaghandaan ng isang atleta ang isang laban upang ma-achieve ang goal.
Panghuli, tuwing nasa laban laging ibigay ang best, huwag magduda sa sariling kakayahan, makukuha ang ninanais kung talagang pinaghandaan. Kailangan ng self -discipline, hardwork at palagi ring manalangin.