Bakit mahalaga ang payo ni Nanay?
Gaya ng dati, magkwentuhan tayo over a cup of tea. Ang tsaa natin ay ginger. Mainit na salabat, anong galing sa lalamunan.
Ang luya ay napakahusay na panlinis ng baga. Kung nasa bahay lang naman gawing agua tiempo ang salabat at damhin ang magaan na pakiramdam. Ang isang 8 onsa ng softdrink, isang scoop ng ice cream, isang apple pie o kahit anong klase ng pie, isang regular chocolate bar, ang bawat isa ay may taglay na 10 kutsaritang asukal. Kung mahilig kang kumain ng mga ito, ay kuwentahin mo na ang nakatatakot na dami ng asukal na ipinapasok mo sa iyong katawan.
Dati ang sakit na diabetes ay hereditary o namamana, genetic kung baga, nasa lahi hanggang pababa sa kaapo-apohan, pero ngayon ayon sa research ay acquired disease na dahil sa lifestyle at maling paraan ng pagkain.
Walang disiplina sa sarili at self-control. Maririnig natin ang iba na sinasabi “okay lang kumain ako ng mga iyan, meron namang pangontra na tabletas na reseta ng aking doktor”. Pero sa isang responsable at matalinong tao, mali ang paniwalang ito.
Nagkakagasta pa sa iniinom na pangontra. Ito ay may mga sinasabing side effects sa ating kalusugan. Ang katawan natin ay tulad ng halaman, kung ito ay naaalagaang mabuti, dinidilig, hindi ginagamitan ng synthetic fertilizer kundi organic fertilizer ay maganda ang tubo, mayabong at ang gandang pagmasdan.
Nasa magandang lugar, naaarawan, at tinatanggal ang mga tuyong dahon. Halimbawa sa isang bata, kung sa panimula pa lamang ng paglaki ay nabigyan ng mga tamang kaalaman sa pagkain ng isang ina (dahil siya ang namamahala sa pagkain at pagluluto),sa kanyang paglaki isa siyang malusog na bata.
Ang pagkain ng iba’t ibang uri ng gulay ay dapat naituro sa anak ng sapilitan noong siya ay bago pa lamang lumalasa ng iba’t ibang gulay. Halimbawa ang ampalaya, kung hindi niya natutuhang kainin ang mapait, never na niya itong gugustuhin kainin.
Naalala ko ng kami ay mga bata pa si nanay ay may hawak na pamalo, nakabantay sa aming magkakapatid habang kumakain ng tanghalian, ang ulam namin ay ginisang ampalaya.
Pilit na pinapakain sa amin ang ampalaya, isusubo namin pero kasunod ng lagok ng tubig, ayaw niya iyon, at papaluin kami. Kaya natutuhan naming kumain ng mapait na ampalaya. At sa lahat ng gulay na kanyang niluluto ay ganoon siya, bantay-sarado kami.
Salamat kay Nanay ngayon paborito namin lahat ng uri ng gulay, agawan pa lalo na kung saluyot. Naalala ko ang saluyot, alam ba ninyo sa Ehipto, ang mga reyna noong Ancient Times, ang saluyot ang kanilang anti-aging secret? Pero ito ay hindi katulad ng paraan ng ating pagluluto na buo-buo ang mga dahon kasi bulanglang ang luto. Sa kanila, ang saluyot ay ginagayat ng pino-saluyot soup.
At alam po ba ninyo na ang saluyot ay native sa Egypt? Doon ito talaga galing at hindi dito sa ating bansa. Puwersahing pakainin ang mga anak ng lahat ng klase ng gulay habang bata pa siya para ito din ang ituturo nya sa magiging anak. Carry through ito down the line kasi natutuhan nila mula sa kanilang matalinong magulang.
Congratulations sa mga anak na marunong kumain ng gulay. Pasalamat kayo sa responsable at mapagmahal ninyong magulang. Dahil ito ang isa sa mahalagang naituro sa inyo. Sa mga magulang, ipilit kung ano ang mabuti at tama at later ma-realize nila how fortunate they are to have parents who forced them to eat veggies.