Bakit Mahilig ang Pinoy sa Pag-Awit?
May kasabihan nga na…”Life is better when we sing“….
Masarap sa pakiramdam na napapasabay ka sa pagkanta mula sa radyong pinakikinggan.
Kapag nabitin ka pa, tiyak sing-along karaoke ang hahanapin o kasunod.
Sa totoo lang, di maikakaila na mahilig talaga ang Pinoy sa pag-awit, hindi nga nawawala sa listahan ng mga paligsahan ang Singing Contest sa kabayanan, maging sa pagsali ng Pinoy sa mga International Singing Contest. Ipinapakita natin ang ating love for singing.
Pero bakit nga ba tayo mahilig umawit?
Ang paliwanag ni Ma’m Ena Maria Aldecoa, isang soprano at Music Director ng Art Song Academy. Ito ang mga sumusunod:
Hindi pa tayo nasasakop ng mga dayuhan, ang musika ay nag-ugat na sa mahalagang gampanin ng ating pananampalataya na nagmula sa ating mga ninuno.
May partikular na musika at awit sa partikular na okasyon na kanilang ipinagdiriwang.
Singing as Personal Expression. Ang gampanin ng pag-awit mula sa mga selebrasyon ay naging personal expression na lumaki at naipasa sa bawat henerasyon. Mga pag-awit na naipasa from generation to generation sa pamamagitan ng oral tradition.
Samantala, ang form at structure naman ng ating awitin ay impluwensiya ng Western music tradition at Spanish nang tayo ay masakop. Nang magsimula ang recording noong 1877 at sinimulan gamitin commercially ang radyo nong 1900 namulat tayo sa mga awitin mula sa ibang bansa.
Nang maibento ang sing-along KARAOKE system ni Roberto del Rosario noong 1975, nangahulugan ito na ang personal expression ay naging accessible practically sa mga Filipino.
Singing as Social expression. Ang karaoke singing ay nagbibigay daan upang tayo ay makarelate sa ibang tao, makapagbonding tayo sa ating pamilya, kaibigan sa mahalagang okasyon.
Singing as Emotional ventilation. Ang mga kanta mula sa mga sing-along system ay napakalawak ang saklaw sa human emotions at concerns. Naging paraan ito para maipahayag ang ating mga damdamin in a positive at healthy way.
Singing as Form of entertainment. Pagkatapos ng trabaho ang ilan sa atin ay tumutungo sa mga KTV para makapag unwind, magrelax. Ang pakikinig sa musika at pagkanta ay nag-create ng sparks sa maraming bahagi ng ating utak at ang ganitong karanasan ay nagdudulot ng positive state.
Singing Loud, although out of tune. Para sa classical trained musicians ang makadinig ka mula sa kapitbahay na kumanta ng malakas at sintunado ay isang punishment experience para sa kanila. Bagamat naiitindihan ito, pero kung titingnan subconsciously para sa mga taong mahilig magsing-along sa Karaoke ang ganitong paraan ay nakapagbibigay ng kasiyahan at worth sharing na rin .
Kaya tara na kantahan na! Kanya-kanyang baon ha ng mikropono!