Bakuna kontra tigdas, rubella, diptheria at anti-tetanus, patuloy na ipinagkakaloob sa Pasay City
Tuloy-tuloy ang isinasagawang pagbabakuna sa mga kabataan sa lungsod ng Pasay, kontra tigdas at iba pang sakit na maaaring makuha ng mga ito.
Katunayan, umarangkada na ang pagbabakuna sa Brgy. 183, Villamor, Pasay City sa pangunguna ng barangay medical healthcare units (BMHU), makaraang aprubahan ni chairwoman Ruth Cortez ang programa, kasabay ng pagbaba sa alert level 3 ng NCR.
Kabilang sa mga babakunahan ang nasa edad isa hangganh 13 taong gulang.
Layon ng pagbabakuna na maproteksiyunan ang mga kabataan laban sa tigdas, rubella virus, diptheria at tetano.
May libreng vitamins din na ipinamimigay para lumakas ang resistensiya ng mga bata.
Jimbo Tejano