Bakuna laban sa COVID-19 na maaaring masayang posibleng umabot pa sa 60 million
Aabot pa sa halos animnapung milyon na doses ng mga bakuna laban sa COVID-19 ang maaaring masayang.
Sa pagdinig ng blue ribbon committee, sinabi ni Health OIC Secretary Maria Rosario Vergeire na maaaring umabot sa 50.74 million doses ang vaccine wastage dahil maraming bakuna pa ang mag-e-expire na sa susunod na buwan.
Ayon kay Vergeire batay sa kanilang datos, aabot pa sa 15.3 million doses ng mga COVID-19 vaccine ang nasa warehouse.
13 thousand sa mga bakunang ito ay mag-eexpire sa Mayo habang karamihan ay sa Setyembre.
Posibleng madagdag dito ang 6.9 million doses na naka-quarantine dahil hinihintay pa kung ma-eextend pa ang shelf life nito.
Inamin naman ni Vergeire na naging matamlay ang vaccination program laban sa COVID-19 dahil sa mababa na ang kaso ng mga nagpopositibo sa virus.
Meanne Corvera