Bakuna para sa Covid-19 posibleng sa 2022 pa magkaroon
Bagamat ginagawa ng gobyerno ang lahat para matiyak na sa oras na magkaroon ay agad magkakaroon ng access ang Pilipinas sa COVID-19 vaccine, may posibilidad pa rin na abutin ng 2022 bago makakuha ng bakuna ang bansa.
Sa virtual press conference, sinabi ni National Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na sa ilalim ng kanilang COVID-19 vaccine road map, ang best case scenario nila ay magkakaroon na ang bansa ng bakuna sa Mayo hanggang Hulyo ng 2021.
Pero ito ay 10 hanggang 15 milyong doses lamang aniya.
Para naman maabot ang target na 50 milyong doses para sa 25 milyong populasyon ng bansa ay nakikipag ugnayan rin sila sa mga kaalyadong bansa ng Pilipinas.
Pero ang worst case scenario ay sa katapusan o unang bahagi ng 2022 pa magkaroon ng bakuna sa bansa.
Paliwanag ni Galvez, maraming bansa ang nag unahan sa bakuna at dito lamang na lamang ang mga mayayamang bansa.
Pero tiniyak ni Galvez na gagawin nila ang lahat para masiguro na makakakuha ng bakuna ang Pilipinas.
Madz Moratillo