Bakuna para sa mga bata kontra Covid-19, maaaring pondohan ng Gobyerno – Sen. Angara
Maaari nang pondohan ng Gobyerno ang mga bakuna kontra Covid-19 para sa mga menor de edad o mga batang may edad 12 hanggang 15.
Ayon kay Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance, maaari itong isama sa 2022 proposed National Budget.
Ang panukala ay inaasahang isusumite ng Malacañang sa Kongreso sa Hulyo.
Sabi ni Angara, dapat bilisan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pag-aaral para sa bakuna sa mga menor de edad tulad ng ginawa sa Estados Unidos at Singapore para maihabol sa pagtalakay sa National Budget ngayong taon.
Kapag nabakunahan, naniniwala ang Senador na magiging ligtas ang pagpasok sa eskuwelahan para mas matuto ang mga bata sa halip na Distance Learning.
Sa tala ng Department of Education, aabot sa 28 million ang mga kabataang nasa Basic Education.
Meanne Corvera