Bakunahan kontra COVID- 19 tuloy na ulit sa Maynila
Inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila na simula ngayong araw Nobyembre 3, tuloy na ulit ang mass vaccination kontra COVID- 19 sa lahat ng vaccination sites sa Lungsod.
Ito ay matapos pansamantalang itigil ang bakunahan sa kanilang hospital sites simula noong Oktubre 28 para bigyan ng pagkakataon ang mga ito na makapagsagawa ng normal daily operations.
Sa anunsyo ng Manila LGU, bukod sa kanilang 6 na District hospitals, may nabakunahan rin sa apat na malaking malls sa Lungsod at 44 na Health centers.
Paalala naman sa mga menor de edad na magpapabakuna dapat ay may kasama silang guardian.
Madelyn Villar-Moratillo