Pagbabakuna kontra Covid-19 sa Lungsod ng Maynila, ipinagpatuloy ngayong araw
Ipinagpatuloy ngayong Linggo, August 8 ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa Lungsod ng Maynila.
Paalala ng Pamahalaang Panglungsod, bawal ang walk-in alinsunod sa patakarang ipinatutupad ng gobyerno ngayong nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
15 school sites ang pinagdarausan ng pagbabakuna na nagsimula kaninang alas-7:00 ng umaga at magtatapos hanggang alas-7:00 ng gabi.
Tig-2,500 doses ng bakuna ang inilaan sa bawat sites.
Paalala sa mga babakunahan na dalhin ang nakaprint na waiver form o QR Code bilang katunayan na sila ay babakunahan, magdala din ng ID at sumunod sa ipinaiiral na health protocol.