Balasahan sa NBI Cybercrime Division at Digital Forensics Lab ipinatupad dahil sa isyu ng kurapsyon
Ipinag-utos na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang balasahan sa NBI Cybercrime Division at Digital Forensics Laboratory sa harap ng alegasyon ng kurapsyon sa ilan sa mga miyembro nito.
Sa Department Order 461 ni Aguirre, itinalagang hepe ng Cybercrime Division si Manuel Eduarte at Executive Director naman si Alex Bautista.
Inilagay din sa Cybercrime Division sina Juliana Gabionza, Ryner Bergado, nina Grace Bacho, Chris Edgardo Anonuevo, Jeremy Lotoc at Ma. Aiza Arcega.
Batay naman sa Department Order 462 ng kalihim, hinirang na hepe ng Digital Forensics Laboratory si Victor Lorenzo at Executive Director si Christopher Paz at mga miyembro sina Edgardo Anonuevo at Jay Salangguste.
Una nang bumuo si Aguirre ng fact-finding committee para imbestigahan ang paratang ng anomalya ng mga may-ari at kawani ng Intellcash International Inc. , Datacentric Corporation at Delta Clout laban sa mga miyembro ng Cybercrime at Digital Forensics Lab ng NBI.
Ulat ni: Moira Encina