Balitang profiling sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers, walang katotohanan – Malakanyang

Hindi totoo ang akusasyon ng Alliance of Concerned Teachers o ACT na sila ay under profiling ng Philippine National Police o PNP.

Sinabi ni presidential spokesman Salvador Panelo itinanggi na ito ng pambansang pulisya at kung sakali mang may ginagawang pagmomonitor sa isang grupo o indibdwal ang PNP wala namang masama kung ito’y gawin ng kapulisan.

Ayon kay Panelo trabaho naman  ng PNP na silipin ang anomang impormasyong kanilang natatanggap lalo na’t ang nakarating sa kanila ay may kinalaman o bahagi ng pagpapbagsak sa gobyerno.

Inihayag ni Panelo hindi maituturing na krimen ang pagmomonitor kasabay ng pagtiyak sa hanay ng mga guro na walang dapat ipangamba kasunod ng lumutang na balita na  wala namang katotohanan.

Batay sa naging alegasyon ng Alliance of Concerned Teachers may mga pulis umano na nagpupunta sa ibat—ibang paaralan at hinihingi sa nakatalagang principal ang pangalan ng mga guro nitong miyembro ng ACT.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *