Ballot boxes isa isa nang sinusuri para sa canvassing
Isa – isa nang binubuksan ang mga ballot box na naglalaman ng mga certificate of canvass at election return.
157 pa lamang ang hawak na ballot box ng National Board of Canvassers sa kabuuang 173 na COC na dapat matatanggap ng Kongreso.
May mga lugar kasing ngayon pa lamang magdaraos ng Eleksyon kabilang na ang labinlimang clustered precints sa may labindalawang Baranggay Satubaran Lanao del Sur.
Masusing sinusuri kung ang mga ballot box at may padlock, zeal at serial numbers at kung kumpleto ang pirma mula sa board of election inspector .
Oras na matapos ang pagbubukas ng mga ballot box, gagawa ng report ang Secretary ng Kamara at Senado at ito ang ipiprisinta sa Nationalboard of Canvassers para masimulan na ang bilangan.
Ang physical documents na natanggap ng Senado at ikukumpara naman sa electronically transmitted result at kung walang discrepancy itutuloy na ang pagbibilang.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto kung mayroong discrepancy at may problema sa COC isasantabi muna at huli na itong bibilangin.
Sa ngayon hinihintay pa ang walong ballot boxes na nanggaling sa Senado.
Mula ito sa Overseas Absentee Voting sa Chile, South Africa, Timor Leste,Kenya, Mexico ,Pakistan, Nigeria at Czech Republic.
Kaya maaring madelay ang pagbibilang sa halip na alas 2 ng hapon iuurong ito ng alas 3 o 4 ng hapon.
Mayroon pang pitong ballot boxes na hinihintay mula sa OAV at Lanao del Sur.
Pero kung malaki na ang lamang at hindi naman makakaapekto ang resulta maaring iproklama na sina presumptive President Bongbong Marcos at Sara Duterte bukas ng gabi o huwebes ng umaga.
Meanne Corvera