Balut…! nasa Vending Machine na!
Halos araw-araw sa tapat ng aming bahay…merong isang babae lagi nang nagdaraan…sunong ay bilao, kung lumakad ay paimbay…at ang wika ay ganito sa gitna ng daan…
Balut …Penoy…Balut … bili na kayo ng itlog na Balut..ito ay lyrics ng kantang ang pamagat ay ”balut”.
Ang balut ay isang ”exotic food” na hinahanap ng mga turista para matikman, masustansya at masarap lalo na’t mainit.
Noong dekada 70 hanggang nobenta, mabibili ang balut sa mga kanto o inilalako ng balut vendor.
Karaniwang ginagawang balut ay ang itlog ng itik, at nakilala noon ang Pateros bilang ”balut sa puti” capital of the Philippines.
Samantala, hindi lang mga frozen and cold food sandwiches, dairy products, o microwavable meals ang nasa vending machine ngayon kundi pati balut na rin.
Isang balut vending machine ang na-develop ni Engineer Isaac Razo, isang instructor sa University of Sto.Tomas. Ayon kay Razo, ang balut ay hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa indsutriya.
Dalawang version ng balut vending machine ang kanilang na-develop sa naturang unibesidad.
Ang balut na nasa loob ng machine at kukunin ng bibili saka ibabayad sa cashier ng isang convenient store, at ang pangalawa ay kung saan mismong ang buyer ng balut ang mag-ooperate sa vending machine, doon ilalagay ang bayad at lalabas mula sa machine ang balut.
Sa ngayon, makikita na sa ilang convenient stores ang balut vending machine, kaya naman kahit anong oras ay pwede ka nang makakain ng balut .
Ang sabi nga…Balut ay mainam na gamot sa mga taong laging nanlalambot.
May taglay na protina, tumutulong sa sistema ng katawan, fats at may kataasan din sa cholesterol kaya ingat din naman lalo na ang may mataas na presyon ng dugo.
Paano nga ba ginagawa ang balut? Sa paggawa ng balut kinakailangang i-incubate ng 18 araw ang itlog ng itik .
Inilalagay ang itlog ng itik sa isang lalagyan na kung tawagin ay ”taong”, isa itong traditional incubator.
Upang malaman kung naging balut ang itlog ng itik, sisilawin ito sa ikalimang araw ng pagpapainit.
Mamarkahan ito upang malaman kung ang itlog ng itik ay magiging balut at muling papainitan.
Pagkalipas ng 18 araw, maaari ng ilaga ang itlog ng itik at maaari na ring ibenta.
Natikman n’yo na ba ang sizzling balut? Isang restaurant sa Quezon City ang nag-o-offer ng sizzling balut with three cheese bomb. Gusto n’yo bang malaman kung paano ito ginagawa? Simple lang …
Kailangan lang ng mozzarella cheese, cheese spread at cheddar cheese.
Pakuluan natin ang balut, balatan at ating i-adobo.
Saka ilagay ang tatlong uring nabanggit na keso.
Kahit hindi mahilig sa balut, tiyak na maeenganyong tikman ang nasabing recipe.
O, kayo, ano pang hinihintay ninyo, kain tayo ng balut para lumakas ang ating tuhod…