Ban ng shipment ng poultry at iba pang poultry products, inalis na ng DA
Inalis na ng Department of Agriculture ang ban ng shipment ng poultry at iba pang poultry products mula Luzon at sa iba pang bahagi ng bansa.
Kaugnay pa rin ng mainit na usapin tungkol sa bird flu outbreak na kauna unahan sa Pilipinas.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, may mga ikinonsidera silang dahilan kung bakit inalis ang ban, at kabilang dito ang pahayag ng biosecurity experts.
Samantala, ayon naman sa Poultry Integrated Alliance Incorporated, nagpapasalamat sila at natutuwa dahil sa ginawang aksyon ng Pinol na may malaking maitutulong sa kanilang negosyo.
Binigyang diin pa ni Pinol na mahalagang may dalang certification mula sa accredited at inspected farms ang lahat ng shipment transactions mula Luzon at maging sa iba pang bahagi ng bansa.
Ang mahalaga aniya ay natiyak na nilang ligtas ang poultry products na ang pagtiyak ay galing sa biosecurity experts.
Ulat ni: Anabelle Surara