Banat ni DFA secretary Teddy Locsin sa PNP na umaresto kina Cong. Satur Ocampo at France Castro, personal na opinyon ng kalihim – Malakanyang

Hindi posisyon ng Malakanyang ang banat ni Foreign Affairs secretary Teddy Locsin sa Philippine National Police (PNP)  na umaresto at nagsampa ng kaso kina dating Bayan Muna Partylist representative Satur Ocampo at ACT Partylist representative France Castro.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na personal na opinyon ni Secretary Locsin ang pagtatanggol kina Ocampo at Castro.

Ayon kay Panelo, bagamat kinikilala ng Malakanyang ang pinagsamahan nina Locsin at Ocampo bilang magkaibigan sa Kongreso hindi nangangahulugan na inosente sina Ocampo at Castro.

Inihayag ni Panelo na sa proseso ng batas itinuturing na inosente ang sinumang akusado hangga’t hindi nahahatulan sa korte.

Sinabihan ni Secretary Locsin ang PNP ng bullshit sa pag-aresto kina Ocampo at Castro dahil sa kasong kidnapping at human trafficking.

Pinayuhan ni Panelo si Locsin na iwasan muna ang pagpapalabas ng anumang komento at hayaan munang umusad ang proseso ng batas sa kaso nina Ocampo at Castro.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *