Bangayan ng ibang pres’l candidates, natural lang sa mga nahuhuli sa surveys–pol analyst
Normal lang para sa mga tail-enders sa surveys na magbangayan o mag- tug-of-war.
Ito ang reaksyon ni political analyst Prof. Edmund Tayao sa mga pagbuwelta ni Manila Mayor Isko Moreno na pangatlo sa mga surveys kay Vice President Leni Robredo na pangalawa naman sa pre-election surveys.
May obserbasyon ang ilan na tila nagiging campaign manager ni presidential frontrunner Bongbong Marcos si Moreno dahil sa mga pagpuntirya nito kay Robredo.
Pero, sinabi ni Tayao na natural lang ang pagpapatutsada ni Moreno kay Robredo at hindi ito para kay Marcos.
Hindi aniya magpapatuloy si Isko sa pangangampanya kung ito ay nagtatrabaho para sa ibang kandidato.
Sa tingin pa ni Tayao, ang layon ni Moreno sa kanyang mga pagbanat ay para mapigilan na mapunta ang mga boto para sa kanya kay Robredo at maapektuhan ang mataas na numero ni BBM.
Moira Encina